Aytem Bilang: SCP-4248
Object Class: Safe
Special Containment Procedures: Ang SCP-4248 ay nararapat na ilagay sa isang malabong anomalous item locker. Ang locker na ito ay puwedeng mabuksan kung may sulat ng pahintulot mula sa on-duty site HMCL supervisor o Project Head. Ang pagbabasa ng SCP-4248 ng malakas ay pinagbabawal.
Deskripsyon: Ang SCP-4248 ay isang Christian-themed na pambatang libro na may pamagat na, “The Alphabet of God” na inakda ni Terry A. Davis. Walang ibang libro na inakda ng awtor na ito ang natagpuan, at ang may akdang si Davis ay nailathalang namatay sa sariling kamay nung ito’y nagpasagasa sa tren noong 2018/08/11.
Ang bawat pares na pahina ay mayroong isang letra sa isa at isang imahe sa kabila. Kasama dito ang isang tula na nakaugnay sa letrang nakalagay. Ang mga tulang ito ay may temang Christian, katulad ng “A” na naglalarawan sa Mansanas (Apple) na kinain ni Eba sa Hardin ng Eden. May mga kaso na kapag ang mga tula ay binasa ng malakas, ito’y maguudyok ng mga penomenang may kaugnayan sa Relihiyong Kristiyano.
Ang SCP-4248 ay puwedeng mabasa ng hindi makakaudyok ng isang anomalya, kapag ito’y binasa ng tahimik. Kapag binasa ng tahimik, ang SCP-4248 ay mayroong dalawampu’t pitong pahina: isa para sa mga letrang matatagpuan sa Ingles na leksikon, at ang pagtatapos kung saan hinihikayat ang mambabasa na ibahagi ang libro sa kanilang mga kaibigan. Pero, ang mga mambabasa ay naghayag na wala silang gana na basahin ang SCP-4248 ng malakas.
Incident Report 4248/001 |
Ang SCP-4248 ay orihinal na iniakda ni Davis noon 2013 bilang isang pambatang libro, at ito’y kilala sa iba’t ibang sektang pangrelehiyon. Bago ang Incident 4248/001, ang mga kopyang naitinda ay umaabot mahigit isang milyon.
Noong 2019/04/05 ng 1200 Hours PST, ang lahat ng SCP-4248 ay biglaang naglaho. Ang memorya ukol sa SCP-4248 ay nanatili; pero, walang SCP-4248 ang natira. Ang pangyayaring ito ay naihayag ng isang pari na nagsabing ang kanyang kopya ay “nawala na parang bula” habang binabasa niya ito. Ang mga koneksyon ng Pundasyon sa loob ng mga institusyong pangmedya ay gumawa ng storya ukol sa pag babawi ng mga libro, at ang mga nakasaksi ay binigyan ng Amnesiacs.
Ito ay nabilang sa mga Extranormal Event, at ang sumusunod na imbestigasyon ay hindi na tinuloy. Pero, makalipas ang tatlong buwan, isang regular na inspeksyon sa mga storage lockers para sa mga Safe-class sa Site-19 ang nagbunyag na isang kopya ng SCP-4248 ang natira matapos mangyari ang Incident 4248/001.
Walang anomalyang akitibidad ang nangyari kaugnay ang SCP-4248 ang naihayag bago ang Incident 4248/001, at ang SCP-4248 ay inaakalang walang anomalya bago ang insidente.
Testing Log 4248 |
Ilang pahina ng SCP-4248 ang nakitaan ng anomalya pagkatapos ng nakalipas na pagsubok noong binasa ito ng malakas ng isang D-Class Personnel. Si D-4556 ay inatasang basahin ang bawat pahina sa loob ng isang kuwarto kasama ang mga research personnel. Ang resulta at ang mga anomalyang epekto ay nakalathala sa ibaba
Pahina: A
Tula: "A is for the Apple, that Adam and Eve ate. / It got God angry at them, and put a lot on their plate."
Ang A ay para sa Apple (Mansanas sa Tagalog), na kinain ni Eba at Adan. / Nagalit ang Diyos dahil dito, at sila’y isinumpa.
Imahe: Isang puno na may bungang mansanas, kasama ang isang lalaki at babae na kumakain sa ilalim nito.
Resulta: Wala
Pahina: B
Tula: “B is for the Bible, a very good book. / Remember to read it lots, or God will put you on a hook.
Ang letrang B ay para sa Bibliya, ang magandang libro. / Tandaan na basahin ito palagi, o ang Diyos ay magpapahirap.
Imahe: Isang librong cartoon na may cross sa unahan, inaakalang Bibliya.
Resulta: None
Paalala: Para sa kadalian, ang mga sumusunod na entry na walang anomalyang epekto ay hindi na isinama pa sa listahan.
Pahina: D
Tula: “D is for Disciples, like Judas and James. / Judas stabbed Jesus in the back, and faced Hell’s eternal flames!”
Ang letrang D ay para sa Disipulo, katulad ni Hudas at Santiago. / Si Hudas ay sinaksak si Hesus sa likod, at nanatili sa apoy ng Impiyerno magpakailanman!
Imahe: Ang labindalawang Disipulo at si Hesus, nakapalibot sa isang lamesa.
Resulta: Nung ito’y binasa ng malakas, ang ilaw sa lahat ng sukat ng kuwarto kung saan ang SCP-4248 ay binabasa ay tumindi. Ipinahayag ni D-4556 ang karamdamang “pagkatakot” sa SCP-4248, “ito’y parang isang horror book.” Si D-4556 ay inutusang ituloy ang pagbabasa.
Pahina: G
Poem: “G is for Grace, what you seek from God. / If you get on his bad side, you’ll never wish you had.”
Ang letrang G ay para sa Grasya, ang hinahanap mo sa Diyos. / Kapag ika’y napasama sa kanyang mga Mata, hahangarin mo na sana’y hindi nalang.
Imahe: Isang balbas saradong humanoid na may pagkakahawig sa Kristiyanong Diyos. Ang mukha ay natatakpan ng permanent marker. Base sa pagaaral, ang pagtatakip ay hindi orihinal na parte ng libro at ito’y hindi matatanggal na walang naidudulot na pagkasira sa SCP-4248.
Resulta: Habang binabasa, dalawang King James na Bibliya ang lumitaw sa loob ng kuwarto. Ang epektong ito ay nangyari sa buong Site-31, kung saan ang mga Bibliya ay lumilitaw kung saan saan. Pagkatapos makuha at makolekta lahat, ito’y umabot sa mahigit kumulang na dalawampu’t tatlo. Kasama dito, si D-4556 at ang ilang kasamang researchers ay naghayag ng pagkakagusto na basahin pa ang SCP-4248.
Paalala: Base sa eksaminasyon ng mga nakuhang Bibliya, ang mga nakasulat na “Diyos”, “Ang Panginoon”, o “Siya” ay natatakpan ng itim na permanent marker at ang huling dalawampung pahina ay nawawala. Sa pinaka huling pahina, ang mga salitang “HINDI NA KAMI BABALIK” ay nakasulat sa natuyong dugo.
Page: I
Tula: “I is for Israel, the place and the Holy Land. / We must take it back or God will hang us by our hands.”
Ang letrang I ay para sa Israel, ang lugar at ang Banal na Lupain. / Kailangan nating mabawi ito, o ang Diyos ay isasabit tayo sa ating mga kamay.
Imahe: Isang kabalyerong nagwawasiwas ng espada.
Resulta: Pagkatapos mabasa ni D-4556 ang tula, tumayo si Researcher Jacobs at sumigaw, itinapon ang isang silya kay D-4556. Ang mga armadong security personnel ay kinailangan pang bitbitin si Jacobs palabas ng silid habang pinipilit saktan si D-4556.
Habang ito’y nangyayari, ang mga personnel sa Site-31 ay naghayag na may naririnig na tahimik pero hindi maintindihan na mga bulong sa kanilang isipan.
Page: M
Tula: “M is for Messiah, the one that’s come and gone . / Accept that ours is Jesus, or God will make sure we’re done.”
Ang letrang M ay para sa Mesias, ang pumunta at umalis. / Tanggapin na atin si Kristo, o ang Diyos ay sisiguraduhing tayo’y tapos.
Imahe: Ang larawan ni Hesu Kristo. Ang kalahati ng kanang pahina ay pinunit mula sa libro.
Resulta: Base sa post-incident analysis, pagkatapos basahin ang tulang ito ng malakas, ang mga personnel na nakatalaga sa Site-87 ay naghayag ng malalakas na lebel ng radyasyon mula sa likod ng SCP-1348-03. Si D-4556 ay naghayag din ng pakiramdam ukol sa paranoya, at nagpapaalam na huminto saglit. Ang pagpapaalam ay hindi pinayagan.
Paalala: Parte ng pahinang ‘N’ ang pinunit. Hindi pa alam kung ang tula ay nagtataglay ng anomalyang epekto, at sa pagbabasa ng mga natira ay hindi nag udyok ng kahit anong penomena .
Pahina: ש
Tula: “Christ and Hell are one and the same, and why should we be so quick to scorn? Throw yourself into the nest, and let the cawing spurn!”
Si Kristo at ang Impiyerno at iisa at pareho, bakit natin ang bilis mang insulto? Itapon mo ang sarili mo sa pugad at hayaan ang pagiyak na mag takwil.
Imahe: Wala. Si D-4556 ay hindi hinayag ang imahe.
Paalala: Ang pahinang ito’y hindi lilitaw kung ang SCP-4248 ay hindi babasahin ng malakas.
Resulta: Base sa post-incident analysis, ang pagbasa ng tulang ito ay nauugnay sa mga containment breaches ng ibang mga Abrahamic SCP artifact kung saan ito’y nagdulot ng maraming pagkamatay. Tingnan ang mainlist files para sa SCP-3570, SCP-3632, at SCP-3296 para sa karagdagang impormasyon. Kasama nito, ang ilaw sa loob ng silid kung saan nagaganap ang pagbabasa ay nagkakaroon ng mapulapulang kulay at ang mga researchers ay naghayag na sila’y may naririnig na halo halong boses sa kanilang mga isipan.
Sumunod ang pagbabasa ng entry na ito at ang paglitaw ng mga boses, si D-4556 ay inutusang itigil ang pagbabasa ng SCP-4248. Pero, si D-4556 ay sumuway sa utos at nagpatuloy sa pagbabasa.
Pahina: ע
Tula: “Your cawing is your binding, and they’ve thrown themselves on the tree. / We must bow down to [COGNITOHAZARD REDACTED], or he will never let us be.
”Ang iyong pagiyak ay magsisilbing iyong pagkakatali, at sila’y itinapon ang sarili sa puno. / Kailangan nating manikluhod sa [COGNITOHAZARD REDACTED], o hindi niya tayo hahayaan.”
Imahe: Wala.
Resulta: Base sa post analysis at satellite footage, may isang malaking pasilidad ang lumitaw sa isang isla sa Australia pagkatapos mabasa ang tula. Tingnan ang Exploration Log 4248 para sa karagdagang impormasyon. Kasama dito, ang mga researchers ay naghayag na ang mga boses sa kanilang mga isipan ay sinimulang sumigaw at ang lokal na lebel ng Akiva ay tumaas ng apatnapu’t limang deciakivas.
Pahina: צ
Tula: “If the birds are to bring—“
”Kapag ang mga ibon ay nagdala—“
Paalala: Ang SCP-4248 ay sapilitang kinusa kay D-4556 ng mga armadong guwardiya. Nanlaban si D-4556 sa pamamagitan ng pananakit sa mga guwardiya pero siya ay pinatulog. Ang mga penomenang anomalya ay tumigil pagkatapos.
Karagdagang Paalala: Sumunod ang pagkakakuha kay D-4556, ang mga pahinang naglalaman ng mga letrang Hebreo ay hindi nakita mula sa SCP-4248. Kapag ang SCP-4248 ay binasa ng tahimik, ito’y naglalaman lamang ng dalawampu’t anim na letrang Ingles.
Exploration Log 4248 |
Pagkatapos ng Incident 4248/002, isang gusali na may pagkakahawig sa isang bodega ang lumabas sa coordinates: [EXACT COORDINATES REDACTED]. Ang pasilidad ay dalawang palapag ang taas, at merong marka na magkahalintulad sa kalasag ng Pundasyon, pero halatang sirasira. Si Agent Carnigan ay boluntaryong nagpasya na maglibot sa loob ng pasilidad.
Ang body camera ay ibinigay kay Agent Carnigan bilang karagdagang equipment bukod sa istandard issue na Foundation agent gear at firearm upang mairekord niya ang kanyang kapaligiran.
Nabuhay ang kamera. Ang Ahenteng si Carnigan ay kasalukuyang nakatingin sa pasilidad. Kahit na ito’y nasa maayos na kondisyon, ito’y may bahid ng pagkasira dahil sa katandaan at meron ding ebidensya ng labanan sa labas nito. Karagdagan nito, ang kapaligiran ng bodega ay mukhang bakante, at minsan, iba iba. Dahil dito, inakalang may naganap na pagpapalitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo kahit wala namang nailathalang aktibidad ang militar sa lugar.
Si Agent Carnigan ay nakapasok sa loob ng pasilidad. Si Carnigan ay nilapitan ang unang pinto at tinulak ito. Ito’y nakabukas, at may maririnig mula sa pinto na tunog habang ito’y binubuksan. Ang looban ng gusali ay nabubuo ng dalawang palapag. Ang unang palapag, kung saan naroroon si Carnigan, ay nabubuo ng isang salas na may sampung pintuan ng piitan. Ang pangalawang palapag, na puwedeng mapuntahan sa pamamagitan ng hagdan, ay isang balkonahe sa taas ng unang palapag.
Si Agent Carnigan ay inutusang imbestigahin ang mga piitan. Si Carnigan ay lumapit sa unang piitan sa kanyang kaliwa, ang kamera ay nahagip ang looban nito. Sa loob ng piitan matatagpuan ang isang lamesa, upuan at krus na nakakabit sa pader. Makikita ang bahid ng natuyong dugo sa sahig ng piitan.
Para sa kadalian, ang mga natitirang piitan ay naglalaman ng:
- Unang Piitan sa Kanan: Isang baul na gawa sa kahoy. Ang nilalaman ng baul ay isang ginintuang kopa at abito.
- Pangalawang Piitan sa Kanan: Isang silya na may maliit na istatwa ni Hesu Kristo na nakakabit sa taas sa pamamagitan ng hindi pa nalalamang bagay. Si Agent Carnigan ay naghayag tungkol sa mga nagkalat na pakpak sa loob ng piitan.
- Pangalawang Piitan sa Kaliwa: Walang laman, at walang ebidensya ng pagkakagamit.
- Pangatlong Piitan sa Kaliwa: Walang laman, at walang ebidensya ng pagkakagamit.
- Pangatlong Piitan sa Kanan: Walang laman, at walang ebidensya ng pagkakagamit.
- Pangapat na Piitan sa Kanan: Walang laman, at walang ebidensya ng pagkakagamit. Pero, inihayag ng Agent Carnigan ang malakas na amoy ng nasusunog na karne na nanggagaling sa selda.
- Pangapat na Piitan sa Kaliwa: Isang 2014 Subaru na kotse na nasa loob ng isang bilog na iginuhit sa pamamagitan ng isang yeso. Ang sahig ng selda ay may mantas ng natuyong dugo, pero walang dugo sa loob ng bilog.
- Panglimang Piitan sa Kaliwa: Isang lalagyang gawa sa salamin at isang VHS tape, parehong nasa sahig. Ang taas ng lalagyan ay bukas, at ang tape sa loob ng VHS tape ay ubos at putol.
- Panglimang Piitan sa Kanan: Nakakandado ang pintuan paloob ng selda, at ang loob ay napupuno ng mga patay na ibon. Tumanggi si Agent Carnigan na buksan ang pinto.
Si Carnigan ay nagpatuloy sa hagdan pataas ng pangalawang palapag. Karagdagan ng balkonahe, ang pangalawang palapag ay may tatlong opisina, at isang mainframe access panel. Ang mga salitang “IMMINENT CONTAINMENT BREACH / SYSTEM KERNEL ERROR” ay nakasulat sa monitor ng panel sa makapal at pulang teksto na may interbal na dalawang segundo.
Inutusan si Carnigan na subukang buksan ang mainframe panel. Nilagay niya ang kanyang mga kredensyal at nakapasok sa operating system. Pero, isang message box ang lumitaw na nagsasabing may isang malawakang system wipe ang natapos, at ang system ay mamatay na. Hindi nagtagumpay si Carnigan na mapasok ulit ang mainframe.
Matapos ito, inutusan si Carnigan upoang pasukin ang mga opisina. Ang unang opisina ay nakakandado. Pinilit sirain ni Carnigan ang pintuan. Ang looban nito ay mayroong lamesa, cabinet ng papeles, at basurahan. Abo at pagkakasira mula sa apoy ay makikita sa paligid ng basurahan. Walang ibang dokumento o gamit ang nakita.
Ang pangalawang opisina ay hindi nakakandado. Binuksan ni Carnigan ang pintuan, ito’y magkahawig lang sa nauna, maliban sa isang dokumentong nasa lamesa na may deskripsyong nauukol sa mga hakbang sa isang bagay, na kinuha naman ni Carnigan.
Ang pangatlong opisina ay nakabukas ng kaunti. Nang ito’y buksan, naiwasan ni Carnigan ang isang mabigat na bagay na nakapatong sa taas ng pinto, upang malaglag ito sa sinumang manghihimasok. Sa looban ng opisina, lahat ng gamit ay sinira ng isang sandata. Nakuha ni Carnigan ang isang laptop na nakapaton sa isang natitirang bahagi ng lamesa.
Si Agent Carnigan ay lumabas ng pasilidad at nakipagtagpo sa mga personnel na nakatalaga sa labas ng pasilidad. Ang kamera ay namatay.
Karagdagang Paalala: Makalipas ang dalawang lingo mula ng paglilibot, ang bodega ay umuha kahit walang ebidensya ng pagkakasira mula sa loob. Isang buwan pagkatapos ng pagkakaguho, ang mga natira ay naglaho ng parang bula. Ang dahilan nito ay hindi pa natutukoy.
Ang mga sumusunod na dokumento ay klasipikado, at kinakailangan ng Level 4/4248 clearance para mabasa. Kapag sinubukang basahin ng walang sapat na clearance ay mag reresulta sa disiplinang aksyon, hanggang at kasama ang pag terminasyon ng pagkaempleyado sa Pundasyon.
Recovered Documents: |
Laptop: Isang laptop ang nakuha sa isa sa mga opisina ng bodega. Ito’y isang HP Inspiron 15 7000 na may operating system na OSCP v4.1.203. Dahil sa login screen, ang laptop ay nalamang pagmamayari ni Dr. John Haskall, isang researcher ng Pundasyon na nakatalaga sa Site-17. Inihayag ni Dr. Haskall na wala siyang natatandaang pagaari niya ang nakuhang laptop pero siya ay nakapag log sa pamamagitan ng kanyang kredensyal.
Karagdagan sa mga istandard na utilidad, matatagpuan din dito ang ilang larawan ng pusa ni Dr. Haskall at isang audio log, inaakalang pakikipagpanayam sa pagitan ng dalawang lalaking indibidwal. Naka transkrayb sa baba ang panayam:
<Simulan ang Log>
BOSES 1: Alam natin ang iyong pangalan, at alam din natin ang iyong ginawa. Ngayon sabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo tungkol kay Ginoong Davis.
BOSES 2: Ah, si Terry at ako ay magkakilala dati pa. Middle school lab partners, ika nga, doon kami nagkakilala. Pero iba iba ang pinagtunguhan ng aming mga buhay. Programmer siya, ako isang manunulat, pero lagi kami naguusap.
BOSES 1: Pagusapan natin ang SCP-4248. Bakit ka niya tinawagan?
BOSES 2: Isang araw, tinawagan niya ako, at tinanong ako kung puwede ko bad aw siya tulungan magsulat ng pambatang libro. Sabi ko hindi ako sumusulat para sa mga bata, at dapat maghanap siya ng iba. Pero tinanong niya ako kung gusto ko ba daw tulungan siya sulating ang pambatang libro. Sa tingin ko nalaman niya na tumulong ako magsulat sa Library, noong nakaraan.
BOSES 1: Tinulungan mo siya sa pag gawa ng SCP-4248?
BOSES 2: Sa tono mo parang sinasabi mong alam ko yun nung una palang ha? Hindi ko nakikita ang hinaharap, at hindi ko din alam na lulubog ang Australia. Sa totoo lang, akala ko gagawa lang siya ng mga pang pulitika o relihiyon, o kaya mang gago lang sa mga tao.
Hinto.
BOSES 2: Hindi ko alam na sinusubukan niyang tawagin ang lintik na Diyos.
BOSES 1: Bakit niya sinusubukang tawagin ang Diyos?
BOSES 2: Nasisiraan na siya ng bait. Ateista siya dati pero biglang nagging saradong katoliko. Nagsesermon siya ng ebanghelyo ni Kristo, at sa tingin ko akala niya siya na ang susunod na Mesias. Pero matalino pa din siya—Kaya kaibigan ko pa din siya—pero lagi niyang isinisingit ang relehiyon.
BOSS 1: Sa tingin mo ba siya’y nagtagumpay?
BOSES 2: Ah hindi. Yung bagay sa Dagat Pasipiko, yung bagay na lumabas pagkatapos ng pagbasa sa TV, hindi yun ang Diyos. Baguhin mo ang isip ko, pero sa tingin ko ang Diyos ay walang pakpak o tuka.
Pause.
BOSES 1: Tungkol dun sa, um, bagay sa Dagat Pasipiko, gaya ng tinawag mo, yun ang responsible sa lahat ng kasalukuyang pangyayari?
BOSES 2: Sa totoo lang, ang paguugnay ay hindi katumbas ng kadahilanan. Pero, kapag nagpakita ang isang higanteng halimaw, at kalahati ng mundo ang natakot, sasabihin kong puwedeng ito’y kadahilanan, oo.
BOSES 1: Saan ito nanggaling? Bakit ito pumunta dito?
BOSES 2: Siguradong hindi ito ang Diyos. Hindi ko lang alam kung bakit naghahagis ito ng mga Bibliya. Base sa mga boses, ito’y nagmula kung saan. Nasaktan ito at dinudugo sa dagat, sa tingin ko nasaktan ito. Ininom ko ang tubig nito isang beses, kahit sinabi ng telebisyon na huwag gawin, pero ako’y nagtataka, kung ano ang kanilang tinatago, alam mo yon?
BOSES 1: Bali—
BOSES 2: Oo, wag mo na ako sermonan tungkol don. Alam ko ang mga kondisyong susunod, at nakokontrol ko ang mga balahibo, sa ngayon.
BOSES 1: Ano sa tingin mo mangyayari sa susunod?
BOSES 2: Sa akin? Mamatay, ganoon lang kasimple yon. Pero sa ibon? [COGNITOHAZARD EXPUNGED]? Naghihingalo na yon. Pumunta yun dito ng may dinaramdam at hindi na nga siya mabuhay buhay. Pero palapit na siya ng palapit, pero oras na mangyari yon, sa tingin ko hindi titigil ang pagiyak.
<Pagtatapos ng Log>
Memo: Ang mga sumunod na memo ay natagpuan sa isang opisina sa bodega. Ito’y mukhang naglalarawan sa isang “Arabesque Protocol”, na mukhang magkahalintulad sa Ennui Protocol.
ARABESQUE PROTOCOL
Inakda ni: Site Director Calvin, O5-6
Abstrak: Sa lumipas na tatlong linggo, ilang mga bagay na nagsisilbing banta para tapusin ang mundo ang kinakailangang gamitan ng containment at newtralisasyon ng Pundasyon. Sa kasalukuyan, ineestima na isang BE-Class “Human Migration” Scenario ang mangyayari ngayong Disyembre ng taon.
Ang pinagmulan ng mga bantang ito ay nagmumula sa isang infohazardous vector saisang religious children’s book. Itong librong ito ay nagging parte na ng publiko, at ito’y hindi medaling matanggal. Karagdagan nito, madami ang kopya ng librong ito para matanggal ng Pundasyon sa pamamamagitan ng Ennui Protocol.
Ang Ennui Protocol ay hinaluan ng Arabesque Protocol, nakalathala sa baba, upang tanggalin ang infohazard mula sa publiko.
Hakbang:
- Isang malawakang pagbawi ay iaalok sa mga sibilian upang ibenta ang kanilang mga kopya. Ito’y ineestimang madami ang makukuhang vector mula sa publiko.
- Ang mga Mobile Task Force ng Nu-7 ("Hammer Down") at Tau-7 ("Samsara") ay madedestino sa Amerika, Europa, at Asya para puksain ang mga SCP-████-1.
- Ang Ennui Protocol ay maisasagawa, na nakabuntirya sa vector. Ang konsentrasyon ng hangin ay madadagdan para mailagay sa komatos ang populasyon.
- Habang komatos, ang vector ay hahagilapin sa bawat bahay, na pagkatapos ay sisirain.
- Lahat ng personnel ng Pundasyon na may kinalaman sa Arabesque Protocol ay kailangang tumanggap ng amnesiacs. Ang mga kompyuter virus ay gagamitin patungkol sa vector online.
- Artipisyal na memorya ay ikakalat sa mga balita sa anyo ng memetics. Ang Full Indoctrination ay tinatayang mangyayari sa loob ng tatlong linggo.
Sa likod ng dokumento, ang salitang "Gusto ko bumalik." ay nakasulat sa pulang panulat.